“Sa buhay ka ba o sa patay?” - ito marahil ang mainit na tanong ngayong panahon ng eleksyon sa ating bansa. Salamat sa Archdiocese ng Bacolod at pumaibabaw muli ang isyu patungkol sa RH Law na pilit ibinabaon ng mga kandidatong pro-RH (pro-patay) na tumatakbo sa Senado at Kongreso. Dahil lang sa iisang tarp na ipinaskil sa katedral ay napapaisip ngayon ang mga tao kung sino ang Team Patay at kung sino ang Team Buhay.
Ang isyu ng RH Law ay parang zombie na nagbalik mula sa hukay. Akala ng mga pro-patay na mga kandidato ay tapos na ang isyu noong kanilang ipinilit ito noong nakaraang taon. Nagkamali sila.
Nakita ko ang paninidigan ng mga tao kontra sa RH Bill noong sumali ako sa prayer rally sa EDSA. Kahit umuulan ay hindi natinag ang mga tao. Kahit ilang oras nakatayo ay walang problema. Ang mahalaga ay maihayag sa mga pinuno ng gobyerno ang saloobin laban sa RH Bill.
(Source: CBCP for Life) |
Naisip ko noong araw na iyon na ito ang mga taong na hindi na lang tatahimik kapag naipasa ang RH Bill. At sa tingin ko ay tama ako.
Ang mga taong sumusuporta para sa Team Buhay ay ang mga libo-libong tao na nagtyaga sa prayer rally, ang mga taong nakikipagbakbakan sa Facebook at Twitter, at ang mga simpleng tao na kumilos upang tutulan ang RH Bill sa kanilang paraan.
Hindi pa tapos ang laban ng RH Law at hindi pa kami sumusuko. Kaming mga Pilipinong na tapat pa sa Simbahan at mga pro-lifers na hindi kaanib ng Simbahan, kami ang tatapos sa mga Team Patay. Tuloy ang laban!
Oh ano? Sa buhay ka ba o sa patay?
No comments:
Post a Comment
Comments are very much welcome. However, I reserve the right to disapprove comments that are spam, not relevant to the blog post, or were just made to make hurtful (trollish) remarks.